Sigaw ng Isang Bata
Ayoko na, ayoko na dito
Ayoko na sa lugar na ito
Ilabas niyo na ako
Gusto kong makita ang mundo
Ang mundong ginagalawan niyo
Kay ganda siguro nito
Marami akong pangarap
Nhunit ang paglaganap ny pagpatay
Sa aming mga batang walang sala
Ay nakapanghihinayang,
Talagang nakapanghihina
At nakakawalang pag-asa
Kahit nasa sinapupunan pa lang ako,
May buhay na rin ako
May laman, buto at dugo
May tumitibok na puso
May kaluluwa ako
May buhay!
Sino ba ang may kasalanan?
Sino ba ang may kagagawan?
Kami bang mga munting buhay?
Di ko naman ginustong mabuo
Kayo, kayong mga magulang ko
Kayo ang may gusto nito
Matapos kayong magpakaligaya
Matapos kayong magpakasaya
Ano ang ginagawa niyo?
Ang patayin kami -
Kaming mga dugo't laman niyo.
Ano ba naman kayo?
Tao kayo, tao kayo
Masuwerte nga kayo
Binuhay nila kayo
Mga walang utang na loob
Binuhay kayo para bumuhay
Hindi para pumatay
Mga doktor ngang naturingan
Pera naman ang tinitignan
Okey lang na mang-abort
Basta may pera ang magpapa-abort
Mga doktor na ang layunin
Ay ang mga tao'y buhayin
Ano ang ginagawa nila?!
An g pumatay ng mga bata
Ang pumigil sa buhay ng mga bata
Bata pa nga ako
Walang alam sa mundo
Kundi ang maglaro
Pero sa puntong ito
Makikihalo ako
Makikisama sa pagsugpo
Pagsugpo ng abortion
Pigilin ang abortion
Tigilan ang contraception.
*written on August 14, 1994 -- gillean diana mae c. tuico
Ayoko na sa lugar na ito
Ilabas niyo na ako
Gusto kong makita ang mundo
Ang mundong ginagalawan niyo
Kay ganda siguro nito
Marami akong pangarap
Nhunit ang paglaganap ny pagpatay
Sa aming mga batang walang sala
Ay nakapanghihinayang,
Talagang nakapanghihina
At nakakawalang pag-asa
Kahit nasa sinapupunan pa lang ako,
May buhay na rin ako
May laman, buto at dugo
May tumitibok na puso
May kaluluwa ako
May buhay!
Sino ba ang may kasalanan?
Sino ba ang may kagagawan?
Kami bang mga munting buhay?
Di ko naman ginustong mabuo
Kayo, kayong mga magulang ko
Kayo ang may gusto nito
Matapos kayong magpakaligaya
Matapos kayong magpakasaya
Ano ang ginagawa niyo?
Ang patayin kami -
Kaming mga dugo't laman niyo.
Ano ba naman kayo?
Tao kayo, tao kayo
Masuwerte nga kayo
Binuhay nila kayo
Mga walang utang na loob
Binuhay kayo para bumuhay
Hindi para pumatay
Mga doktor ngang naturingan
Pera naman ang tinitignan
Okey lang na mang-abort
Basta may pera ang magpapa-abort
Mga doktor na ang layunin
Ay ang mga tao'y buhayin
Ano ang ginagawa nila?!
An g pumatay ng mga bata
Ang pumigil sa buhay ng mga bata
Bata pa nga ako
Walang alam sa mundo
Kundi ang maglaro
Pero sa puntong ito
Makikihalo ako
Makikisama sa pagsugpo
Pagsugpo ng abortion
Pigilin ang abortion
Tigilan ang contraception.
*written on August 14, 1994 -- gillean diana mae c. tuico
No comments:
Post a Comment