Thursday, April 5, 2007

Book 1: Yeng Verse-011

Kaibigan?!

Nang unang magkita... At di pa magkakilala
'Kala ko'y yabang mo, Ngunit di naman pala
Ang bait mo pala, Turing ko sa iyo'y kuya
Ngunit bakit nagkaganito, damdamin ko'y nagbago

Minamanhal na kaya kita? Yan ang tanong ko
Sana nga'y hindi, Pero yan yata ang totoo
Sa ngayon, tayo lagi ang tampulan ng tukso
Kunwari'y ayaw ko, Ngunit ito'y gustung-gusto

Pa'no ko nga bang masasabing "Ika'y mahal ko"
Gayong lagi mong sinasabing siya ang mahal mo
At alam ko namang kaibigan lang ang turing mo
"Sayang... sayang!" Iyan na lang ang sambit ko.


*written on July 26, 1995 -- Yeng '95

No comments: