Monday, April 9, 2007

Book 1: Yeng Verse-021

Gaano Mo Siya Kamahal

Gaano mo siya kamahal talaga
Ganon ba siya kahalaga?
Akala ko siya'y limot mo na
Ngunit ako'y nagkamali pala

Gaano mo talaga siya kamahal?
Ganon ba kalaki ang yong pagmamahal
Kahit na ika'y kanyang nasaktan
Siya pa ri'y di mo malimutan

Siguro nga'y ganon kalawak
At talagang napakabusilak
kaya handa kang magdusa
Makita lamang siyang maligaya

Ganon siguro kalalim talaga
Ang nararamdaman mo sa kanya
Kaya pagmamahal ng iba
Di mo na mapapansin pa

Ang puso mo'y para sa kanya
Kahit siya'y may mahal nang iba
Ang puso mo'y sarado na
At di ko na kayang buksan pa

Siguro nga'y ganon mo siya kamahal
Dahil siya ang unang minahal
Ganon mo nga ba siya kamahal?
Hindi ko alam... pagkat di ko masukat.


*written on October 26, 1995 -- Yeng '95

No comments: