Tuesday, April 6, 2010

Book 1: Yeng Verse-023

Sana

Sana mapansin mo naman ako
Tagal ko nang naghihintay dito
Sana kahit konting ngiti
Makita ko sa 'yong labi

Sana sumaya ka naman kahi konti
Yung sayang totoo at 'di peke
Kasi mula nang matapos na
Hindi na kita makitang masaya

Sana mailabas mo ang yong problema
Para dibdib mo'y lumuwag-luwag na
Kasi 'pag naipon yan d'yan
Baka biglang sumabog ka na lang

Sana hindi mo dinidibdib
Sana hindi mo na lang iniisip
Sana maging katotohanan ito
Hndi para sa akin, kundi para sa 'yo.


* written on December 15, 1995 -- Yeng '95

No comments: