Monday, April 9, 2007

Book 1: Yeng Verse-017

Magkaibigan

Ang kailangan lang natin ay ang isa't isa
Upang magkaroon ng lakas at pag-asa
Pag-asang magkakaroon ng magandang bukas
At bawat problema ay ating malulutas

Hindi ko titignan pisikal mong kaanyuan
Sapagkat hindi mahalaga iyong kagandahan
Hindi ko rin kailangan ang taglay mong yaman
Basta't mahalaga ating pagkakaibigan

Ako'y di nangangailangan ng anuman papuri
Ang gusto ko lamang ay ang yong ngiti
Upang maibsan anumang suliranin,
Na makakaharap sa landas kong tatahakin

Tayo'y magkaibigan, alam kong alam mo yan
Handa kitang damayan sa saya at kalungkutan
Sapagkat ang yong kasiyahan
Ang tangi kong inaasahan.


*written on October 22, 1995 -- Yeng '95

No comments: