Monday, April 9, 2007

Book 1: Yeng Verse-018

Isang Bulaklak

Bulaklak ang naging simula
Katapusa'y ito rin kaya?
Matamis na pagmamahalan,
Di ba't bulaklak ang pinagmulan

Bulaklak na bigay niya
Pinag-ingatan mong talaga
Para sa iyo'y ito'y tanda
Na ika'y di na luluha

Ngunit ano ang nangyari?
Bakit ikaw ngayo'y namumuhi
Sa taong iyong pinakamamahal?
Dahil ba siya'y may iba nang mahal?

Nakita mo nang bigyan niya
Ng bulaklak na maganda...
Tulad mo, babaeng iyo'y lumigaya
Ngunit tulad mo, luluha din siya

Bulaklak na tanda ng ligaya
Dala nito'y di laging saya
Maari ding ito'y tanda
Nang simula ng yong pagluha.


*written on October 25, 2995 -- Yeng '95

No comments: