Monday, April 9, 2007

Book 1: Yeng Verse-019

Wasak na Puso

Alam kong labis kang nasaktan
Nang ika'y bigla niyang iwan
Alam ko ang yong nararamdaman
Pagkat iya'y aking napagdaanan

Hindi mabilis na siya'y limutin
Pagkat alam kong ika'y mahal niya rin
Ngunit nagbago ang ihip ng hangin
Siya'y kasama na ng kaibigan pa man din

Ngunit kung siya'y lilimutin
Sana'y ituring na kaibigan pa rin
At kapag atas ng pusong siya'y babalik din
Sana'y pagbabalik niya'y iyong tanggapin

Ngunit puso mo'y iyong ingatan
Upang di na muling masaktan
At kung mangyayari man
Nandito pa rin ako... isang kaibigan.


*written on October 25, 1995 -- Yeng '95

No comments: